buh-bye na
wala na
talagang pag-asa
wala ng ibabaling
pa
kahit itong
pagtingin
ay 'sang uri
rin lang ng
aking salamin
ang taglay mong
kagandahan
ay ipasasantabi ko
na
ang taglay mo ring
angking kariktan
ay nawawalan
nitong nilalaman
para sa akin
ito'y nabalewala
sa aking umaga.
kaya't buh-bye na.
sa tuwing sasapit ang umaga
tinawag niyang pimple
ang bundok,
tinawag pang parisukat
ang tatsulok
kung minsan ako'y nagtatanong din
sa pagbabasa
ng bibliya
sa ating pormal na wika—
kung ito'y karapat-dapat ba?
sabi naman ng iba,
naaayon daw
ang mga ginagamit na
uri ng pananalita
sa lipunang
kinabibilangan nila.
ako ngayon ay tila
hindi na maka-laban,
dahil sa nakagawian na.
malabong mata (in Tagalog & English/Taglish or Filipino language)
malabong mata
tumititig sa ginto
itodo mo pa
ang brightness ng iyong screen
na para lang salamin
Napindot (in Taglish or Tagalog & English language)
Mga mata ko,
sa paggamit ng device,
—lalong lumabo
May ulap sa ibabaw
Sa langit, iyong tanaw!
Ito'y sinabi ko lamang
Upang sumilip ang araw!
Dahil siyang tadhana
Ang nagsisikap umamin
Araw, siya ang bahala
Kung may ulap sa atin!
Huwag sanang masamain
Lamig ng simoy ng hangin;
Kung ang panata ay ulan
Ang sanhi ay 'di malaman!
Dahil kung bunga ay galit
Sa mundo nating kay pait
---Ang sagot ay nasa langit
Abutin man ay 'di pinipilit!
Oo nga't taglamig na!
Malayo na ang araw
Subalit babalik ba?
Abut-abot ng tanaw!
Ang lamig ay bumabalot
Ang mga luntiang nauubos
Mga tulang nawala halos
Pula lang ang pumalaot!
Laro Ng Pag-ibig
Ang damdamin ay hindi laruan
Sapagkat ito'y nasasaktan.
Kung bawat isa'y sinaktan
Sarili pati'y pinagmalupitan.
Tayo nama'y hindi bato
Sapagkat ipinanganak tayo!
At kung mundo'y gawa sa bato
Marahil wala na ring tao!
Sinu-sino pa ang titira
Sa batong mundong ginawa nila
Kung laro ng pag-ibig pala
Ay pagka-manhid ang bunga?
Bakit gumigising pa ang lahat
Sa pagdating ng umaga?
Bakit tuwing umaga lang
Tayo namumulat?
Palibhasa'y lumiliwanag
Sa umaga ang kalangitan,
Ngunit sa bawat gabing
Bago pa man ito dumating,
Ang mag-isip sa liwanag
Ba'y kasalanan?
Aking tatanungin
Mga ibon na kumakanta,
Dahil sa gabing mga bituin,
Mga bituin lang---
Sila ang nakikita,
Tuwing gabi lang!
Ang mga gabing
Puno ng panaginip,
At para sa umaga
Lang tayo naiinip.
Tayo'y matutulog
Dala-dalawang mag-irog,
Magkatabi, magkasuyo
At tahimik na puso!
Hindi naman maaari
Na araw ang sisihin;
Dahil, sa ating piling,
Makinang, mga bituin!
Kasalanan ba ng buhay
Na siya'y 'di magtagumpay?
At nais ng bawat isa ang
Magising sa umaga lang!
Dahil dito lang ang liwanag,
Dito napupuno ang kulang!
Ang umasa sa iba ba'y duwag?
At umiibig tuwing umaga lang!