panglaw (in Tagalog language)
hanap-hanap siya—
hangga't nasilayan na
anumang dilim
na nakapalibot ay
nagmistulang liwanag
balewalang pinag-aralan
dito lumaki
mula pa pagkabata
hanggang pagtanda
tinuruan ng tao
ng lipunan at ng diyos
diskarteng marino (in Tagalog language)
nagawi rito
panloloko ang alam
diskarteng kanto
paraang itinuro
siyang isinasabuhay
malabong mata (in Tagalog & English/Taglish or Filipino language)
malabong mata
tumititig sa ginto
itodo mo pa
ang brightness ng iyong screen
na para lang salamin
Munting Tubigan (Sa Kabihasnan)
Mayroon bang mas
hihigit pa sa ilog?
Sa kanyang simoy..
Tahimik na agusan,
haplos para sa hapdi—