Tuwing Umaga Lang

Bakit gumigising pa ang lahat
Sa pagdating ng umaga?
Bakit tuwing umaga lang
Tayo namumulat?

 

 

Palibhasa'y lumiliwanag
Sa umaga ang kalangitan,
Ngunit sa bawat gabing
Bago pa man ito dumating,
Ang mag-isip sa liwanag
Ba'y kasalanan?

 

 

Aking tatanungin
Mga ibon na kumakanta,
Dahil sa gabing mga bituin,
Mga bituin lang---
Sila ang nakikita,
Tuwing gabi lang!

 

 

Ang mga gabing
Puno ng panaginip,
At para sa umaga
Lang tayo naiinip.

 

 

Tayo'y matutulog
Dala-dalawang mag-irog,
Magkatabi, magkasuyo
At tahimik na puso!

 

 

Hindi naman maaari
Na araw ang sisihin;
Dahil, sa ating piling,
Makinang, mga bituin!

 

 

Kasalanan ba ng buhay
Na siya'y 'di magtagumpay?
At nais ng bawat isa ang
Magising sa umaga lang!

 

 

Dahil dito lang ang liwanag,
Dito napupuno ang kulang!
Ang umasa sa iba ba'y duwag?
At umiibig tuwing umaga lang!

 

 

 

 

 

 

 

Author's Notes/Comments: 

Batched with "Walang Pamagat" and "Alon", this poem is about love's intricacies.