Sa Tabing-dagat (in Tagalog/Filipino language)








Sa Tabing-dagat (maikling kuwento)

 

 

 

May isang dalagang may munting kahilingan.  Siya si Guinevere, ang aking nakilala noong kami'y nasa siyudad pa lamang doon sa malayong kabihasnan.

 

—"Saan pa kaya, kung inyong mamarapatin?", mungkaheng patanong ni lolo Pruning.

 

("May namamagitan kaya sa magkatipan?", tanong naman ni lola Rosario.)

 

 

Simula pa pagkabata ay tila halos parehong-pareho na ang pinakagusto nilang gawin (at ito'y hindi na bago pa sa kanila).

 

 

Samantala, sa isang bayan naman, namulat sa kaniyang malubhang kalagayan ang isang nagngangalang Michael.  Kahit na ba sa dinami-dami raw ng kaniyang mga problema doon ay balewala ang mga ito habang siya'y nakahimlay sa kaniyang papag.  Tila naging masaya na siya anupaman (sa simpleng kadahilanang pagtirik din ng kubo sa tulong ng matalik na kaibigan).

 

 

(Hating-liwanag din noon, sa kaniyang pagdanas ng naturang pagkagising!)

 

 

Sa mga panahong nagdaraan, nitong siya pa ay nakahimlay at nalulumbay, minsan pa niyang nasaksihan na naman si dalaga.  Sa sulok ng kaniyang paningin sumasagi na muli ito.—Nang yugtong 'yon.—Tuwing gabi lang.  At sa kabila ng pagrerenta ng memorya ni Gwinny sa likod ng kaniyang ulunan ay tila gusto na niya itong malimot.

 

 

Sa kabilang dako naman ay natapos na nang mag-agahan ang kanilang nag-iisang supling, at tila nawaglit si Junior habang siya'y naglalaro rin, hinanap pa rin niya ang mga bigay ng ama—.

 

Ipinapaalala lamang nito sa kaniya..ang kaniyang malungkot na pagkamangha sa tuwing sasapit ang gabi at lalo na kapag papalapit na ito. Dahil tulad ng pagdating ng madilim na gabi, unti-unti ring nawawala ang liwanag ng kanyang araw.

 

 

 

 

 

[tapos]

 

 

 

 

 

 

 

Author's Notes/Comments: 

LEGAL DISCLAIMER:  This is a work of fiction.

 

Reedited 09.10.2022 03:06:  Filipino common ungrammatical use of "nang" vs. "ng", a crucial mistake was reincorporated to a reconstructed sentence, thereby changing some of the contexts a bit, after discovering this usage error.

 

Thank you for reading on.