Alay ko ito sa mga OFW's na tiniis ang hirap at pag alipusta ng mga banyaga para lang sa maibibigay na kagandahang buhay sa kani-kanilang mga pamilya.
Sa panawagan ng may akda ng PostPoems.com na magbubukas ng isang kategorya kung saan magkakaroon ng klasipikasyon ng mga tula ayon sa wika (maliban sa Ingles), ang inyo pong lingkod ay hindi nag atubiling sumulat upang maisama and wikang Filipino para po naman tayo ay makilala.
Ito po ang aking unang pagtatangka sa pagsulat ng tula sa wikang Filipino. Sana'y naibigan ninyo at kung hindi man, pagpasensiyahan nyo na lang po at ako'y handang magpabaril sa Luneta.