Sa Pagsibol ng Pagasa



nilisan ang bayan

mga pamilya ay iniwan

hawak mga pangakong pilit isakatuparan

di alintana hirap ng katawan

at ang pagalipusta ng mga banyaga

sa ibayong dagat doon nagsumikap

upang maabot minimithing pangarap

mga kababayan kayo'y uliran

tinaguriang bagong bayani ng bayan

nawa'y dumating ang takdang panahon

ang sariling bayan ay di na iiwan

ang taong bayan ay pangalagaan

ang dapat isaisip ng ating pamahalaan

ngayong kahirapa'y di maiwasan

manggagawang Pilipinong bayan ay nilisan

lubos kayong kahanga hanga kailanman

bunga ng pagpupunyagi

sana'y inyong makamtan.














Author's Notes/Comments: 

Alay ko ito sa mga OFW's na tiniis ang hirap at pag alipusta ng mga banyaga para lang sa maibibigay na kagandahang buhay sa kani-kanilang mga pamilya.

Sa panawagan ng may akda ng PostPoems.com na magbubukas ng isang kategorya kung saan magkakaroon ng klasipikasyon ng mga tula ayon sa wika (maliban sa Ingles), ang inyo pong lingkod ay hindi nag atubiling sumulat upang maisama and wikang Filipino para po naman tayo ay makilala.

Ito po ang aking unang pagtatangka sa pagsulat ng tula sa wikang Filipino.  Sana'y naibigan ninyo at kung hindi man, pagpasensiyahan nyo na lang po at ako'y handang magpabaril sa Luneta.

View serene's Full Portfolio
tags: