Ang Simpleng Kaligayahan

hiwalay napala si pops at si jom

ang labi pala ni gretchen ay neritoki na rin

si bbing gandang hari ay si Rustom pala

at nagaway si vicky at Boy Abundia



kay aliw sundan ang mga buhay nila

ma telenovela o sa puting tabing pa

isali muna si Piolo at Sam

completo na ang serko na pwedeng pagmasdan



ang ordenaryong tao sa lansangan

pagod at pawis ang puhunan nila

nagmamadali tuwing sasapit ang alas singko

paanoy, ayaw mahuli sa programa ni Kris Aquino



napakasimple ng buhay sa ating mundo

bigyan mo lamang ng tv at radyo

kaligayahan pwedeng dalawa singco

mapanood lamang ang mga artistang ito




View vilmazab's Full Portfolio
vilmazab's picture

Hi Tita Bing, you write poems so well, even in our dialect you can still pull it thru! I am glad I belong to the family, I might have the poetic genes too.M.E.

Jerome Robles's picture

super ganda talaga tita i really love it nakakatawa ung theme