[Sorry, no English translation available :(]
Manunugtog ay nangagpasimula'
At nangagsayawan ang mga mitya'
Sa mga padyak parang magigiba'
Ang bawa't tapakan ng mga bakya'.
Kung pagmamasdan ay nakatutuwa'
Ang hinhin nila'y hindi nawawala'
Tunay na hinahangaan ng madla'
Ang sayaw nitong ating inang bansa'.
Dahil sa ikaw mutyang paraluman
Walang kasing-ganda sa dagat silangan
Mahal na hiyas ang puso mo hirang
Ang pag-ibig mo'y kay kirap kamtan.
Kung hindi taos ay mabibigo
Sa mga pagsuyong iniaalay.
Kung hindi taos ay mabibigo
Sa mga pagsuyong iniaalay.
Halina aking mahal
Ligaya ko ay ikaw
Kapag di ka natatanaw
Ang buhay ko ay namamanglaw.
Halina aking mahal
Ligaya ko ay ikaw
Kapag di ka natatanaw
Ang buhay ko ay namamanglaw.
Kung may pista sa aming bayan
Ang lahat ay nagdiriwang
May litson bawa't tahanan
May gayak pati simbahan
Paglabas ng Santa Mariang mahal
Kami ay taos na nagdarasal.
Prusisyon dito ay nagdaraan
Kung kaya kami ay nag-aabang
May tumutugtog at may sumasayaw
Mayrong sa galak ay napapasigaw
Ang pista sa bayan namin ay ganyan
Ang saya tila walang katapusan.
Magkita na lang tayo, okey?