Kay ganda na nang aking buhay
matahimik na ang aking pagtulog
pangarap ko'y simple na lamang
namputsha naman dumating ka pa
Kay ganda na nang aking dalampasigan
ang mga alon ko ay kay kislap
tuwing sasapit ang bilog na buwan
natutulog ako sa kanyang kandungan
namputsha naman dumating ka pa
ngayon tuliro ang aking isip
mata ko ay lumalalim
walang tulog na mahimbing
hangang kelan ako mayoyoying
ang buhay ko'y nagtatambling
umalis ka na ginoong gwapo
at ayoko nang maging gago