Bakit ang hirap mo namang kalimutan
Pati sa panaginip ikaw ay naririyan
Hawak mo parin ang aking puso
Ikaw pa rin ang aking sinu suyo
Subalit kay tagal munang lumisan
Kay ikli nga nang iyong paalam
Di nga bat ikaw lang ay umidlip
At di na muling sumilip
Sana'y dumating na ang panahon
Na pangalan mo nalang ang naaalala
At sa piling ng iba
Ako naman ay lumigaya
*******************************************