Ngiti

Folder: 
Tagalog Poems

Ngumingiti nanaman ako.. nagkakabuhay ulit ang mundo,
sa panahong kelangan ko ng saya,andyan lang pala sya sa tabi ko.
Saglit lang nawala sa isip ko ang nakakadismayang nakaraan,
unti unti nanaman nabubuo ang puso ko ng di ko namamalayan..

 

Parang walang nangyari,nabura agad sa isipan ko,
bago na ulit ako,handa ng lakbayin ulit ang mundo.
Iba talaga kapag sya ang nandyan,isang ngiti lang ayos na,
wag ka na ulit aalis ha,bastat andyan ka ok na.

 

Alam ko hanggang dito lang naman tayo,di na ako naghangad ng iba,
lam ko san lugar ko,yaw kong pigilan ang sarili kong maging masaya.
Kung ikaw ang dahilan ng bawat pagngiti ko ngayon,
Pwede hayaan mo muna ako,lilipas din siguro 'to sa paglipas nga panahon.

 

Sige lang,ngiti pa, patuloy mo ang 'yong ginagawa,
dito lang ako,papanuorin ka,at raramdamin ang bawat saya.
Kung sa mundong panay sakit ay may isang tulad mo,
sarap ramdamin ng sakit, kung ang bawat kapalit ay ngiti na mula sayo.

Author's Notes/Comments: 

yun un eh.. fotang ina pagibig! wakokokoko

View i_am_grazie's Full Portfolio