May nakita akong isang rosas
Ang kagandahan niya ay hindi kumukupas.
Kahit malayo ito sa aking kinaroroonan
Litaw na litaw pa rin ang kanyang kagandahan.
Pinilit ko itong abutin, pinilit na hawakan.
Kahit maraming tinik na nakahara sa daan
At malalagong talahib na sa aki'y humahadlang
Ako'y patuloy pa ring lumaban.
At natapos na ang aking paglalakbay
Ikaw ay akin nang natatanaw
Hindi na ako nakapaghintay
At dito sa dalawa kong kamay
Ikaw ay aking inilagay.
Pero bakit nang kita'y hinawakan
Natinik ako at lubhang nasaktan
Pero hindi kita magawang bitiwan
hanggang sa malanta ka na ng tuluyan.
Itong bukod tanging rosas
Dapat hindi ko na lang pinitas
Ito dapat ay akin na lang pinagmasdan
Nakuntento na dapat sa munti kong kaligayahan.