Ikaw ay kasingningning ng mga bituin
Ngunit nangingibabaw sa karimlan
Ang dampi ng hangin sa yong mga pisngi
Ay mistulang aruga ng mapagkandili.
Sa iyong ngiti ako'y nagagalak
Malamyos mong tinig pumapatid ng uhaw
Nadarama ko'y sayang mas malawak
Sa abot ng tingin at landas na tinatahak.
Ika'y maituturing na Venus, siyang dakila
Nahumuhupa sa unos na mapinsala
O aking sinta, salamat sa lahat
Ako'y naririto naglilingkod bukod tanging sa iyo.