mabuti pa ang tutubi
marunong pang tumabi
bakit and tao sa lansangan
puwit nila pwede mong sagasa an
mabuti pa ang manok
sandali lang kong tumilaok
bakit ang taong matabil
hindi marunong tumigil
mabuti pa ang ibon
marunong lumipad
bakit ang taong walang pangarap
nakatingin lang sa ulap
mabuti pa ang isda
marunong lumangoy
bakit ang taong tamad
ni pag hakbang ay di magawa
kung iisipin ko ang mga ugali nila
ang sarap batukan nang mga taong ito
mabuti pa sigurong gawin silang hayop
may pag asa pa ang mundong ito
Hi, Tita Bing. Galing ng tulang ito! It's another social commentary that says a lot of truth about our society in general. I read your other tagalog poems (namputsha, etc.). Very nice! Tagalog is a a powerful medium for poems.-Lulu