Sa mga araw-araw na dumadaan
Sa paglipas ng simoy ng hangin,
Lamig man o init, nararamdaman
Sa aking pagkatao at damdamin!
Ang mga panahon ay paiba-iba;
May oras ng lungkot at may saya!
Ngunit sa tuwing kita'y nakikita,
Tila bang ako'y nagiging maligaya!
Sa mga iilan, sa mga tao sa daan,
Pag-ikot ng mundo'y di mapigilan!
Kung iisipin ay sadyang ganyan;
Para sa akin, ikaw ang dahilan!