Matimtiman
Maraming relihiyon
sa lupa at hangin
kung sa nag-iisang buhay
ay naging palaisipan sa atin
Ako'y napapaisip tungkol
sa tamang rason
kung bakit pa naging
mahalaga ito sa akin
Wala raw relihiyong makapagliligtas
sa kaluluwa mula sa kapahamakan
kung sa tiyak na kamatayan
at impyerno man ay ang hahantungan