alon
sapat na ba ang
ulap sa dalampasigan
upang ang dagat
ay ating masisilayan
araw ang pagbigkas
buwan ang pagluwas
parang namumutawing
bibig at tamlay ng bisig
bigyan mo pa ako
ng rason
upang ako ay huminahon