Para Lang Tayong Nagdurugong Puso Sa Hardin Ng Unang Panahon (in Tagalog language)

 

 

 

 

 

 

 

Para Lang Tayong
Nagdurugong Puso
Sa Hardin Ng Unang Panahon

 

 

 

 

 

Nahalina ka yata
sa aking hardin

 

Minabuti kong ikaw
ay patuluyin

 

"Halika, pagmasdan
mo ang mga likha
ng sining!"

 

"Mga likas na yaman—
lupain, hangin, dagat, araw,

at mga bituin!"

 

 

 

Ganyan ang nakita ko
rin

sa kislap ng mata mong

tumataginting

 

 

 

Kasing ganda ng mga
bulaklak na maraming
gustong umangkin

 

 

Oo, luma na ang mga
tumubong punong kahoy

at iba't-iba pa ang
disenyo ng mga dahon

 

Hindi ba't ganyan din naman

nung nagkataong maulap
ang ating panahon?

 

 

 

O, Tag-ulan!

Tag-ulan lang!

 

'Wag sanang lumakas ang ihip

mong
hangin at sila'y tatangayin.

 

 

Mga ginintuang halaman

at karilagan ng
pagkalikha na disenyo sa
ating hardin

 

Mga bulaklak lang
parati ang nariyan upang
samahan ang mga

ibon—

 

 

 

 

 

 

 

Author's Notes/Comments: 

Dedicated to L.