Tila Siya ang Nagiging Musika Sa Aking Munting Mundo (in Tagalog language)

 

 

 

 

 

 

 

Tila Siya ang Nagiging Musika Sa Aking Munting Mundo

 

 

 

 

 

Sa tugtuging Bago
walang tatalo,

ngunit sa tugtuging Luma

ay para bang

binabaon na sa lupa.

 

 

 

Ano pa ba ang ritmo
na gugustuhin pa niya

ngayong ako'y tumatanda na?

 

 

 

Ililipad ba ako ng hangin sa tuwing
oras ay nagdaraan?

Maglalahong
parang bula.. o
mawawalang parang
multo sa kadiliman?

 

 

 

Sa kalagitnaan nitong
gabi'y aking tatanawin,

O malayong abot-tanaw!

 

 

 

Nawa'y palaging

mahimbing itong
aking pagtulog

upang magising
ng tama at wasto
sa araw-araw!

 

 

 

 

 

 

 

Author's Notes/Comments: 

Dedicated to R.