Nagsasalita Rin Ba Ang Biyolin?
Nagsasalita rin ba
ang Biyolin?
Ganyan naman sila,
pati ang Piyano.
Kung magsasabay
ay melodya lang
ang tanging habol.
Sa mga interpretasyon
lang kung magkakatalo,
sa ganda, at hugis
ng kanilang
mga naratibo.
Gaya ng ulan,
sa kanilang pagpatak
Maingay man sa iba
ay dahil ito'y
parang may binabalak
O Ingay, sa hagod, at kalampag,
tilamsik at bangayan ninyo,
Nawa'y ako'y 'wag
mapaiyak, aking di maaninag na Anino
Hindi pa man nagdaratingan ang mga ibong marikit,
sa sandaling ito,
sana'y malaman mong
nawala ka ng isang saglit.