Parang Silakbo, Damdamin Ko'y Wag Sanang Maglaho (in Tagalog language)

 







Parang Silakbo, Damdamin Ko'y Wag Sanang Maglaho






Nung nabanggit niyang

hindi na muli pang

magkakagusto ang isang tao

sa maganda,




ako'y nabigla.

Ngunit halos naging tulala




Matimyas man ang halik

ay bugso
ng hanging umiihip




Nakaraan na 'yon
at, para lang ding alon,

si lalaking animo'y nalunod

ay masagip




Ikaw na kasi ang kalawakan!

Nasa kalagitnaan nitong

alapaap
ay aking langit




Marahil ay malalagak
na lang sa dulo nitong

mundo kong

tila bang nawaglit




Mamahalin pa rin
kita, O Ganda, malayo

man ang tala na nasa
pagtingin ko




Ngunit sa bandang
'yan, hindi ko pa rin
malaman kung
itong pagkasawi ay totoo








Author's Notes/Comments: 

Dedicated to R.