—Nagsasalita rin ba ang Gitara?
Nagsasalita din ba ang gitara?
'yun ang tanong
ng 'di kamiyembro
ng banda.
Ang Tambol naman
ay nagpahiwatig ng
pagkadismaya.
Subalit
maganda't
may Biyolin o
Orkestra!
Halina't sumama,
tara na't gumala,
parang ibon—
ang paanyaya.
Sapagkat ito ay katagang
madalang sabihin
marahil napadalas pa—
Kung ang kalungkutan ay
natatamasa
malugod ang pagdiriwang
ang alintana!
Kung ang tinataglay
ay tila bang
nawawaglit na,
pagkalupaypay man at
pagkabalisa,
tuluyan nga bang
ang ating mundo ng pag-ibig
ay walang bisa?