taglamig (in Tagalog language)

 

 

 

 

 

 

 

taglamig

(former reedited title:  taglamig,

at siya lang kaya ang dahilan?)

 

 

 

 

nung una pa lang,
ako'y namangha na
sa iyong ginagawa

 

 

ako rin ay lubusang
natutuwa sa matimyas
na hitsura ng iyong mukha

 

 

tila isa kang dalagang
pumukaw sa aking damdamin
iyong wangis parati
ang nasasalamin

 

 

bagkus, malayo ang ating agwat
bakit tila ako'y hindi papa-awat?

 

 

dahil kaya'y nasa lugar ka
na isa sa pinakagusto kong
puntahan at tirahan?

o baka naman itong
mismong lugar ko na tinitirahan
ay wala namang laman?

 

 

h'wag sana magpapahalata
ang langit sa aking kisame,
ang masulyapan ka'y
para itong asul sa taas,

kaniyang pisngi

 

 

ngayong Taglamig na

sa ating mga bayan o kanayunan,
kakaiba talaga ang aking
nararamdaman

 

 

sapagkat nasaan ka man,
sa trabaho mo o sa kaniyang
piling man,
marahil wala ng magagawa
ang tulad ko kundi
ang ipagdasal ang iyong
tanging kaligayahan.

 

 

 

 

 

 

 

Author's Notes/Comments: 

Reedited 12.06.2022 [22:25];11.23.2022 [09:09]; 11.22.2022 [20:38]

 

 

1.  Prior changes have been made to this poem at an earlier time (but not enumerated them all at this moment).


2.  Changed the word "mukha" to "wangis" instead (just to avoid redundancy or the word being doubled in my verses).


3.  (11.23.2022)  Omitted a comma (placed formerly in following line: "o, baka.." (unedited version)


4. (12.06.2022) the line "parang itong asul sa taas," was changed to the grammatical "para itong asul sa taas,"