INTENSITY 7

Folder: 
Filipino poems

Kamakailan lang

idinuyan tayo ng aking kama.

 

kasabay

ang marahas na pagbalya nito
sa dingding;

 

ang pag-haharlem shake
ng lampara sa ating tabi;

 

ang pagkakanya-kanya
ng mga
unan at kumot,
na nagpadulas,
nagpatihulog,
tila natakot masaktan
madaganan.

 

Sa pagtigil ng pagyanig

saglit tayong tumitig
sa kisame
habang ipinaghehele
ng mga pusong
kumakabog.

 

Nagsumiksik ang liwanag
sa aking mga mata
ilang oras makalipas
ang trahedya

 

naroon pa
ang mga bakas ng pagyanig
ngunit di matunton
ang sanhi.

nightlight1220's picture

Sounds like love during war.

Sounds like love during war.


...and he asked her, "do you write poetry? Because I feel as if I am the ink that flows from your quill."

"No", she replied, "but I have experienced it. "