Di tayo magkaibigan

Folder: 
Filipino poems

Nang makilala ka akala ko’y di na muling masasaktan pa

Di na muling may tutulong luha mula sa mata

Di na kailanman magiisa

Hindi na…hindi pala



Siguro nga ako’y tanga

Na hayaan kang saktan ako ng higit pa sa kanila

Na hayaan ang panahon na ulitin ang sakit na nadama

Kay sakit…ikaw pa



Kung gaano kadali kang minahal

Ganun din kahirap kang malimutan

Naisin ko mang makipagsumbatan

Huli na…pagod na



Siguro nga ay dito ang tungo

Nang isipang sarado at bulag na puso

Ang masaktan at doo’y bumangon

Muli…mali



Tatanggapin ang kapalaran na muling iwan

Pipilitin muling bumangon san man umpisahan

Huwag lang ika’y babalik upang makipagkaibigan

Hindi pwede…hindi maaari



Malalim ang sugat na iyong iniwan

At ang pakikipagkaibigan ay malayo sa usapan

Matagal bago mawala ang aking nararamdaman

Kaya’t hindi…’di tayo magkaibigan

View kyoksil's Full Portfolio
nunong's picture

hihihihi!!!hahahaha!!!huhuhuhuh!!!