Kalayaan ba ito?

Folder: 
Filipino poems

Ang sabi mo ako’y palalayain

Hahayaang mamuhay ng wala ka sa piling

Mag-iisa upang di ka na isipin

Dahil sa mga dinulot mong pasanin



Pasanin ba ang ikaw ay ibigin?

Ang intindihin ang iyong gawain?

Ang patawarin ka kahit ako’y paluhain?

Tanggapin ang mga dahilan mo nang ako’y palayain?



Ngunit ito ba ang kalayaan?

Ang matali sa ala-ala ng ating nakaraan?

Ang pagpatak ng luha sa dalanging muli kang makita?

Ang makibaka sa bawat araw na wala ka?



Malaya ako dahil ako’y mag-isa?

Ano ang saysay nun kung ako’y nagdurusa?

Hindi ba’t ang malaya dapat ay masaya?

Paano sasabihing ako nga ay Malaya?



Kung ito ang kalayaang iyong sinasabi

Nais kong ipaabot na ika’y nagkamali

Hindi mo ako pinalaya sa mga maidudulot mong sakit

Ako’y binilanggo mo sa pag-iisang kay pait

View kyoksil's Full Portfolio
tags:
Don Bustamante's picture

Hi Kyo, eto pala hideout ng mga tula mo. Nagagandahan ako sa mga gawa mo lalo na ung may konsepto ng ina o tungkol sa ina. Teka puwede, ko ba ito i-link sa blog ko?

Salamat.