Lupa...

Folder: 
Poetry in Pilipino

tigang na ang lupang

kinatitirikan ng aking pighati

ngayon ko aamuin ang

di pag iyak ng langit

sa katauhan ko

sa katinuan ng diwa ko

sa taglay kong hiram na

kalayaan

kasama sa panalangin ko ang

marahas na ihip ng hangin

ipagdarasal ko ring sana

tangayin nya ang lahat

ng alikabok ng muhi

at lungkot dito sa lupa ko

upang tuluyan nang

mabuwag ang pundasyon ng aking

tila wala ng katapusang

pagkalunod.


View bazoora's Full Portfolio
darkpool's picture

Is this "Here we go loopie-loo" in Tagalog? Or maybe "Louie loui"? Inquiring minds want to know. Ken