Bakit Nga Ba?

Folder: 
Filipino Poems

Bakit nga ba ako'y masaya

Sa tuwing kapiling kita sinta?

Bakit nga ba sa isang ngiti

Nagiging masaya ang bawat sandali?



Bakit nga ba sa tuwing nariyan ka

Ako'y kuntento na?

Bakit nga ba aking sinta

Ako'y nabighani sa iyong mga mata?



Aking sinta, alam mo ba

Na ako'y lubusan mong napaligaya?

Mula nang ika'y nahagkan

Ang pag-ibig nati'y umabot sa walang hanggan...



Salamat aking sinta

Sa pag-ibig na iyong pinadama

At sa pagsubok na ito

Ang pag-ibig nati'y dadaig pa sa halaga ng ginto...


View jackie_lyn's Full Portfolio
jackie_lyn's picture

it was a song?


Everything can be solved with the perfect mixture of puppies and kittens.