Ang Isinisigaw ng Puso

Folder: 
Filipino Poems

Oh, aking damdamin

Hindi ko kayang itago't kimkimin

Ngunit ang puso kong ito

Ay sadyang hindi bato

Mahal na mahal ko siya

At alam kong ako'y mahal rin niya

Ngunit bakit ganito

Ang isinisigaw ng puso ko?

Oh, pag-ibig ko

Ako sana'y huwag lisanin mo

Ngunit ang isinisigaw ng puso ko

Bakit tila hindi para sa iyo?

Aking sinta

Ako'y naguguluhan na

Alam kong mahal kita

Ngunit sadyang may iba...

Bakit nga ba

Sa tuwing ako'y maligaya

Darating ang trahedya

At ako'y napipinsala?

Ngunit ang puso kong ito

Ay sadyang kay lilo

Pati na ang ating sumpaan ay hahamakin

Ngunit sana ako'y hindi maging taksil

Hindi ko kailanman ninais

Na ika'y masaktan

Ngunit bakit ba ganito

Ang isinisigaw nitong puso ko?

View jackie_lyn's Full Portfolio
jackie_lyn's picture

florante at laura


Everything can be solved with the perfect mixture of puppies and kittens.