Ang Pag-Ibig Ko (My Love)

Folder: 
Filipino Poems

Ngayon tayo'y magkalayo

Ako'y nangungulila sa iyo

Ang yakap mo'y hanap ko

Ito'y pamatid ng kalungkutan ko



Ang puso ko'y binihag mo't

Muli itong pinatibok

Damdamin ko'y inangkin mo't

Ako'y umibig sa iyo



Kay bilis ng sandali

Kinailangan kong umalis

Alam kong ang panahon ay kulang pa

Kailan kaya tayo muling magkakasama?



Ang iyong kamay ay hanap ko

Ang iyong mukhang maginoo

Ang ningning ng iyong tingin

At ang kay tamis mong ngiti sa akin



Kailan kaya mapapawi ang lungkot?

Kailan kaya madarama ang sarap?

Kailan ka kaya muling makikita't mayayakap at

Kailan ka kaya mahahagkan?



Sa piling mo ako'y maligaya

Di na nais ang lumisan pa

Pagkat puso ko'y tinuruan mo

Kung papaano umibig ng totoo...



Marahil nga tayo'y bata pa't

Puso'y lilo hindi ba?

Malayo pa ang landas na tatahakin

Ngunit sana ikaw ay akin...



Damdamin ko'y panatag na

Sa tuwing kapiling kita sinta

Sana kahit tayo'y magkalayo,

Nawa'y tandaan mo ang pag-ibig ko...

View jackie_lyn's Full Portfolio
Eleazar Belgica's picture

Nice poem...ayus na ayus... talagang dapat mabasa ni DANIELLE yan...lol..newayz...gandang poem...nagawa ko ngang kanta eh...lol...may naisip akong BEAT...para dito sa poem na to...pwedeng gawing kanta...lol cge keep up d good work.