10/120/02
Matagal akong naghintay, hanggang sa tuluyan ng mabulag ang buwan
Tila’y nangagawit na’t gusto pang malaglag
Sa pakikisama sa paghihintah.
Halos nakawin na ng hangin ang aking hininga
Sa pag aakalng darating ka
Bakit, nasaan ka na nga ba?
Gusto kong isiping, huminto ang mundo sa pag-ikot
Umiikot pabalik ang oras,
O di naman kaya’y naliligaw ka lang o
Sadyang binalewala mo lang ang mga binitiwan kong paala-ala.
Naglakad ako’t nilagpasan ang mga tinik
Para lagn mahawakan ka
Binalewala ko ang lahat
Para lang makaharap ka
Nagbulag-bulagan para lang makasama ka
Naglaho nga lang ang lahat.
Oo, naghintay ako, kasama ang buwan
Nakipagpaligsahan sa paghihintay
Pero,
Buti pa ang buwan, may hinihintay na bukas
Maraming pagkakataon na masilayan ang lahat
Ako kaya, meron pa ba?
I too write Tagalog poems, they are close to my heart since my husband was tagalog.maybe you can check my BB Gandang Hari and the rest. you write well considering you are still young, you must have a lot of inspiration...