mahal kita,kung alam mo lang...

Folder: 
Tagalog Poems

di ko alam anong diskarte gagawin ko,

gusto kong iparating sayo ang saktong detalye

ng damdamin ko.

pero sa tuwing makikita kita

nakakalimutan ko sasabihin ko,

tulala tulo laway,halos lumuwa

ang mata kakatitig sayo.



para akong lumulutang sa sobrang saya,

nawawalan ng hiniga sa sobrang kaba.

humihinto ang magulong mundo dahil sayo,

mahal kita,kung alam mo lang sana ang nararamdaman ko.



ang sarap sa pakiramdam masilayan lang ngiti mo,

pwede na akong mamatay sabi ko sa sarili ko.

feeling ko kompleto ako pagnakikita kita,

mahal kita,kung alam mo lang sana.



gusto ko mang ipagtapat

gusto ko mang ipagsigawan,

pero di sapat ang lakas ng loob ko,

di ko pa kayang ipaalam.

siguro di pa ito ang tamang panahon

para malaman mo,

Mahal kita,kailan ko kaya masasabi sayo...

Author's Notes/Comments: 

for arhiz...

View i_am_grazie's Full Portfolio
tags:
i_Am_GraziE's picture

baduuuyy wahaha kaloka

baduuuyy wahaha kaloka


"Dont judge me by my past, i dont live there anymor