pagmamasdan kang malaya...

Folder: 
Tagalog Poems

wala akong magagwa kung ayaw mo na,

di kita pipigilan kung saan ka masaya.

parehas lang tayong nahihirapan kaya siguro tama na,

wag na sana nating ipagpilitan,

wag na sana nating panghinayangan.



naging totoo lang ako sa sarili ko,

mahal kita at ikaw na ang tinuri kong mundo.

pero para saan ang pagmamahal kung parehas tayong nasasaktan?

tama na yung ganito para isang iyakan lang.



sabi mo tao ka lang nagkakamali,

pero tao rin naman ako nasasaktan sa bawat gingawa mong mali.

kung titignan mo lang ng mabuti,

nahihirapan na ako,ang sakit di ko na kayang ikubli.



alam kong matatagalan akong makabangon sayo,

dahil ang araw-araw ng buhay ko'y nakalaan sayo,

matagal man,mahirap man alam kong kaya ko,

kahit paulit-ulit akong dinadalaw ng mga alaala mo.



hahayaan kitang umalis walang tanong-tanong walang lingon-lingon,

pagiisipang mabuti kung paano ako babangon.

kung babalik ka man di ko na hinahangad pa,

papahinga ko muna puso ko at pagmamasdan kang malaya...


View i_am_grazie's Full Portfolio
tags:
Colet's picture

Hahayaan kitang umalis walang tanong-tanong walang lingon-lingon,
pagiisipang mabuti kung paano ako babangon.
kung babalik ka man di ko na hinahangad pa,
papahinga ko muna puso ko at pagmamasdan kang malaya...

Malupet!!!
Sige! Tadyakan mo sa likod.
hehe :D

i_Am_GraziE's picture

ang sarap ng feeling pag naeexpress mo sarili mo... salamat sa pagcommnet ha!!!


"Dont judge me by my past, i dont live there anymor