""Umuulan""

Umuulan na naman, aking hirang

Ito ang palatandaan ng matindi kong kalungkutan

Mula nang ako ay iyong talikuran

Bakit hindi kita magawang kalimutan?



Tama na ang pagbibingi-bingihan

Tama na ang pagtatanga-tangahan

Pagkat ang puso ko'y lubusang nasaktan

Mula nang ako'y iyong nilisan.



Umuulan na naman, aking hirang

Paano kaya kita malilimutan

Kung naalala ka tuwing umuulan

Kasama ng mga ala-alang nakatanim sa isipan?



Alam kong mas mahal mo siya

Pero bakit patuloy akong nagpapakatanga?

Bakit minamahal pa rin kita?

At ngayong umuulan, sanay masaya ka.

Author's Notes/Comments: 

...umuulan na naman!!!!...
ang saya talaga pag umuulan kasi malamig!!!

View darklion's Full Portfolio
tags: