Leron-Leron Sinta

[Sorry, no English translation available :(]



Leron-leron sinta, umakyat sa papaya

Dala-dala'y buslo, sisidlan ng bunga

Pagdating sa dulo'y nabali ang sanga

Kapos kapalaran, humanap ng iba.



Halika na Neneng, tayo'y manampalok

Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog

Pagdating sa dulo'y uunda-undayog

Kamapit ka Neneng, baka ka mahulog.



Halika na Neneng at tayo'y magsimba

At iyong isuot ang baro mo't saya

Ang baro mo't sayang pagkaganda-ganda

Kay ganda ng kulay — berde, puti', pula.



Ako'y ibigin mo, lalaking matapang

Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam

Ang laladarin ko'y parte ng dinulang

Isang pinggang pansit ang aking kalaban.

Author's Notes/Comments: 

Language:  Tagalog Pilipino.  :-)

View bluewave's Full Portfolio
Bryan Adam Tomimbang's picture

Tee hee hee...