Adrian

Anong dapat kong gawin, ako'y nalilito

Di ko malaman kung ba't nagkaganito

Napakaraming bagay ang gumugulo

Sa aking isipa'y ika'y tumitimo.



Namutawi nga sa iyong mga labi

Sinisinta mo ako, walang atubili

Ako ang mundo mo walang pasubali

Nais mo ay magkapiling tayo lagi.



Sumanib tuloy sa aking ngiti'y galak

Hardin man ay puno ng mga bulaklak

Di nito mahihigtan ang halimuyak

Pag-ibig mong tunay at nakatitiyak.



Subalit hiling ko ako ay makapag-isa

Pagkat di pa panahon at may bukas pa

Huwag ka sanang mawalan ng pag-asa

Darating ang araw, tayo'y magsasama.

Author's Notes/Comments: 

Written in 2000.

View ardythe's Full Portfolio
tags:
poetvg's picture

BEAUTIFUL