Kalikasan ay Buhay

Tulad ng nasabi, ang tao nga pala

Ang dapat sisihin at siyang may sala

Sa pagkakasira at pagkakasakit

Ng daigdig nating wala nang kapalit.



Alagaan nating ang ating daigdig

Ilog na kay ganda ay huwag magputik,

Kahoy sa bundukin ay huwag ubusin,

Himpapawid naman ay huwag labusawin.



Ating sarili ay bigyang-pansin

At ang saling-lahing susunod sa atin

Ang kapaligiran ay ang ating buhay

Pagyamanin natin, kalikasang tunay.


Author's Notes/Comments: 

Since this is a school requirement in Araling Panlipunan, this is my first attempt to write a poem.(1993)

View ardythe's Full Portfolio
Michelle Rustia's picture

This poem you wrote was an indication of a budding environmentalist in you. =). Continue using your talents in spreading environmentalism around the world.