Pagdarahop sa Kapaligiran

Ang mga ibo'y masayang nagliliparan

Sa himpapawid ay nagkakatuwaan

Bandang ibaba ay nga hayop na galâ

Nagpapalipas ng magandang tadhana.



Dumadaloy ang tubig na kay linaw

Na sa atin ay pumapatid ng uhaw,

Bumubuhay ng mga nangamatay na halaman

O kay sarap niyang malasahan.



Ganito ang noon

Sa dako pa roon

Nais ko sanang makarating

Panahon sa bukas na ito'y kapara rin.



Paglipas ng ilang taon, ano itong aking nakita?

Mga puno'y bumabagsak na

Natutuyo ang batis at sapa

Mga isda ay wala na sa lawa.



Ang mga hayop na dati'y naglipana

Ngayo'y tinutugis hanggang sa mawala na

Ang mga bukal sa lupa, tinakpan nang lahat

Nilagyan ng mga bagay, para ba sa pag-unlad?



Umusbond daw ang modernisasyon

Nangibabaw ang sinasabing industriyalisasyon

Pumalit sa maaliwalas na kahapon

Parang inuunos, dumadalusdos na hamon.



Kay lungkot isipin

Mga pangyayaring ginagawa natin

Sana'y maibalik ang dati

Ito ang tungkuling ipinatong Niya sa atin



Pangalagaan ang Kanyang mga biyaya.

Author's Notes/Comments: 

A school requirement in Filipino in 1995.

View ardythe's Full Portfolio
Bev H's picture

I wish i could read this... I'll have my mom translate it... I like your english poems alot!!! keep up the good work!!