I itsapwera ang mga kawatan

ang sakit namang tingnan ng mga bata sa lansangan

bitbit nila mas maliit na bata upang sila'y kaawa-an

bigyan mo man ng sinko o tira tirang ulam

ang ligaya sa kanilang mukha ay damang dama



buong araw sa lansangan,ma ulan o tag init man

murahin mo man o tapikin, ito'y hindi nila pansin

magkaro on lang ng ulam ang sikmura. Kawawang mga bata

hindi niyo ba alam ang estorya,kaya tayo nagkawatak

watak,ay dahil sa mga kurakot sa gobyierno



sana sa panahon ng halalan, isantabi muna ang ka

swapangan,isipin ang mga kabata-an at itaguyod ang

ating karapatan, iboto ang karapat dapat

at iitsapwera and mga kawatan








View vilmazab's Full Portfolio