CORN Team

Corn team ang tawag sa amin

Di lang dahil corny ang jokes namin

Likas lang talaga kaming masayahin.



Pag kayo'y napadaan sa pod namin dito sa taas,

Minsan maririnig mo may tumatawa ng malakas.

Di dahil meron silang sariling mundo,

Nagkakaron lang naman ng mga pagbibiro minsan pang-iinsulto.



Sa team namin bawal ang pikon

Kung di mo type ang joke, sumigaw ka lang ng CORN!

Marami rin sa team namin ang mga antukin

Pero lahat ay nagkakasundo pagdating sa pagkain.



Nakita nyo na ba ang team na Artistahin?

Huwag ka, pang showbiz talaga ang dating namin.

May mga diva kami na mahilig kumanta,

Mga seksi at magaganda pero babaing bading sila.



Ang mga lalaking team mates namin halos mga tatay na

Tawagin natin silang heartrob kakahiya naman sa kanila.

Hay nako! May team mate din kami na walang kyeme sa pag utot,

Pag sya'y nagpasabog na, mga katabi nya'y biglang nawawala dahil di ma-take ang bantot.



May presidentiable din kami, lalaban ka ba?

Isama na rin narin ang batikang komentarista.

May bagong love team din kami sa team namin,

Magkatabi lang sila, tara silipin natin.



O di ba ang saya, malilibang ka talaga

Ang Corn Team o Jel's Team

Eh sila meron ba???!!!

Author's Notes/Comments: 

This is the second poem for the team I have worked with. I really appreciate the working relationship that we've had so I was inspired to write this one for them. Miss you all!  muah!

View sleepyangel's Full Portfolio