Limang taon na ang nakakaraan,
Nang ikaw ay unang nakita.
Sa isang unibersidad na tigre ang naghahari.
Hindi akalain my anghel na masisilayan.
Agad na tinanong ang kaibigan kung ikaw ba’y kilala.
Baka ako’y pwede niya ipakilala.
Subalit ang sagot niya ay hindi at ngayon lang nakita.
Kalimutan na’t hindi siya ang sadya.
Tatlong taon ang nagdaan,
Muling nagbalik sa unibersidad na tigre ang simbolo.
Napadpad sa gusaling may kakaibang titulo.
Habang naghihintay may pamilyar na mukhang naaninag.
Masaya kang nakikipagkwentuhan sa iyong mga kaibigan.
Ikaw ay nasilayan at sa ganda mo taglay muling nabighani.
Nais ko ikaw ay makilala ngunit hindi na maaari.
Ako’y hindi na malaya at puso ko’y pagmamay-ari na ng iba.
Ngunit bago tuluyan umalis at sinabi sa sarili.
Kung ako’y muling pahihintulutan ng Panginoon na makita kang muli.
Sa pagkakataon na ako ay malaya na at ikaw ay pwede pa.
Aalamin ang iyong pangalan at magpapakilala na.
Pagkalipas ng isang taon,
Saktong araw ng aking kaarawan.
Dinalaw ang isang lugar na dati ay palagi pinupuntahan.
Ang pinakamasaya lugar sa buong mundo at Diyos ang naghahari.
Sadyang mapaglaro ang tadhana.
Hindi akalain sa dami ng lugar doon ka muling makikita.
Ako ay nagulat sa napakagandang boses mong taglay.
At hindi mapigilan ang ngiti sa aking mga labi.
Nais kong makikilala ka at magpakilala.
Subalit hindi ko magawa.
Tawagin mo na kong torpe at duwag.
Ang tanging kaya lang gawin ay titigan ka.
Lahat ay aking ginawa.
Para lang malaman ang iyong pangalan at numero.
Tinangka mapalapit at makipagkaibigan sayo.
Subalit ako ay nabigo.
Aking pagkatao ay iyong nahusgahan at ako ay labis mong nasaktan.
Ako’y nagalit, sumama ang loob at lumayo.
Ngunit hindi pa rin mapigilan ang makulit kong puso.
Ikaw pa rin ang laman at tanging gusto.
Aking dalangin ay mapagbigyan ulit ng isa pang pagkakataon.
Para maiayos ang lahat at makapagsimula ng tama.
Gusto kong ako ay iyong makilala ng lubos.
Nang iyong malaman na ako ay tapat, seryoso at mabuting tao.
Simula noon, hanggang ngayon.
Ang dami ng nakita pero ikaw lang ang gustong titigan.
Hirap mong kalimutan at ikaw lang ang palaging laman ng isipan.
Sabihin mo, ano ba ang dapat kong gawin.
Alam kong ako ay hindi mo gusto.
At walang patutunguhan ang damdamin ko para sayo.
Ngunit ngayon pa lang ako ay humihingi na ng paumanhin.
At sana ako ay iyong patawarin.
Dahil paulit-ulit na sasabihin, “gusto kita”.