Dito sa loob sa kabila ng dingding
Sa likod ng pinto sa gitna ng dilim
Lumakad, tumayo, humiga, umupo
Isip lumilipad sa malayong malayo
Wala doon, wala dito
Wala sa kanya kundi nasa iyo
Ang umaga, ang tanghali, ang gabi, ang hapon
At ang bawat sandali ng bawat panahon
Dito sa silid, sa sulok sa gilid
Sa taas ng sahig, sa ibabaw ng banig
Bumiling biling, pumikit dumilat
Diwa'y gising at kalat-kalat
Hindi bangungot, hindi panaginip
Hindi guni-guni o gawa ng isip
Sulyap sa saloobin ng isang hapo
Kapiraso ng pangarap na malabong malabo
Dito sa ngayon, sa harap ng kasalukuyan
Sa likod ng kahapon, ikatlo sa kinabukasan
nakaupo, nag-iisip sa gitna ng dilim
Naghahanap ng matulis na patalim
Wala doon, wala dito, walang makita kundi mukha mo.....