Ikaw sana
Ang lagi kong kasama
Sa tuwing ako’y nag-iisa
Laging ikaw sa isipan aking sinta
Ikaw sana
Ang may hawak ng aking kamay
Anong higpit anong sarap
Sinasabing ako’y mahal mo aking sinta.
Ikaw sana
Ang kayakap ko aking sinta
Sa panahong ako’y giniginaw
Init ng pag-ibig mo’y inaasam