Harold

Maliit ka pa minagmamasdan na kita,
Madilaw ang buhok ang kulay mo naiiba,
May bahid kulay asul sa kaliwa mong mata,
Ito nga ba’y balat, palatandaang makilala ka?

Tayong dalawa laging magkasama,
Naiiba ang iyong ugali sa ating kuya,
Nagdanas ng hirap sadya nga bang inadya?
Sa panahong naririto ka lumalaki  at nagkaka-isip na..

Nakita ko ang pagnanais sa buhay mo na maiba,
Kaya nga’t sa kapiranggot kong kita  tinulungan din kita,
Sa pag-aaral mo sa kolehiyo kasabay ng trabaho  mo,
Masaya akong  makita ang lahat ng mga pangarap mo.

Sadya nga bang kay lupit ng lahat ng bagay?
Eto si kuya na magulo ang buhay
Walang direksyon sa buhay, pamilya nya'y nadadamay,
At nakita ko ang lungkot sa mukha mong walang malay.

Maraming  taon na pagtitiis sa ating buhay,
Poot, galit at pasakit sa ating kuya kung isasalaysay,
Kasama ang minsang pananakit sayo ng kanyang mga kamay,
Hindi tayo makatulog, walang katahimikan, walang saysay.

Sa panahong  yan nakilala ko ang aking kasintahan,
Makaraan  ang tatlong taon  kailangan ko ng  magpaalam,
Ngunit nalungkot ka at nagkasakit sa nalalapit kong kasalan,
Naisip ko natatakot ka at inakalang kita'y iiwan.

Bakit nga ba ang sigla mo’y nawalang tuluyan,
Maraming buwan ang sakit mo laman ng aking isipan,
Inakala mo sigurong tuluyan na kitang pababayaan
Kaya iniwan mo ako sa puntod ng kamatayan.

Akala mo ba basta na lang  kita hahayaan?
Kaya ang pag-alis mo sadyang wala ng balikan?
Oh, anong sakit kapatid ko bakit mo ako iniwan?
Isinara mo ang iyong mga mata patungo sa libingan!
 

Author's Notes/Comments: 

I was really lonely and crying  while doing this poem. I really love my brother so much!  He died at the age of 18 in year 1991 month of Nov. 5 caused of Cerebral Aneurysm and my wedding was Nov. 23, 1991. Until now sa tuwing iniisip ko s'ya hindi ko maiwasan ang.... alam mo na.... malungkot ako, hindi ko s'ya makakalimutan....

View msblue's Full Portfolio