Byahe

Folder: 
Filipino poems

Habang nagmamadali tayo sa pagbyahe
ay hindi natin namalayan na:
	isinakay natin ang lahat ng pumapara
	nang walang ibinababa kahit isa. 

Bumigat ang sasakyan;
tuluyang huminto;
at lahat ng sakay ay naglabasan;
			maging tayo.

Binalikan natin ang sasakyan
at ang kalsadang ating dinaanan.
	Ang bawat maling kabig,
	mintis na preno,
	at mabibigat na pasahero,
		ay nagdulot ng mga lubak
		sa kalsadang ating tinahak.

Ninais kong aspaltohan ang mga butas
pinili mong mag-iba ng landas.

  
View kyoksil's Full Portfolio