Cadbury

Folder: 
Filipino poems

 

Natakam sa tsokolate

na sa mesa'y natagpuan.

 

Kay tagal pinagmasdan.

Marahang binalatan.

May pag-aalinlangang tinikmanâ–¬

matamis

mapait

lasa'y nagsasalit-salit.

 

Napukaw ang gutom

at pagod

sa unti-unting pagputol

at pagsubo.

 

Habang natutunaw

sa nanlalamig na kamay

at napipiping bibig,

nagising

ang himbing na damdamin

at tsokolate'y nagmantsa

sa aking isip.

 

View kyoksil's Full Portfolio