Pagpapalit Sapin

Folder: 
Filipino poems

Pahiga na lang ako

nang maamoy ko ang baho

at makita ang mantsa

ng dating

puting-puting sapin

ng aking kama.



Dali-dali kong dinukot

ang bawat kanto ng kama,

upang makalas ang kapit

ng sapin.



Binalunbon ko ito

at ibinato

sa lagayan

ng maruruming damit.



Mula sa nakasalansang mga sapin

sa aparador

ay pinili ko

ang pinakamalinis

pinakamabango

at pinakamanda,

marahan ko itong kinuha.



Isinuot ko

ang dalawang kanto ng sapin

sa ulunang bahagi ng kama.

Hinaplos ko ang sapin

hanggang sa paanang bahagi.

Bago isinabit ang dalawa pang kanto

siniguro kong

lapat na lapat

sa kama

ang sapin.



Sa bagong sapin ay hihimbing

hanggang sa

kailangan

na muli itong

palitan.

View kyoksil's Full Portfolio