Sa tuwing
ang lumiliyab na mata
ay mariing tumititig,
ika'y naglalaho sa aking paningin.
Kailangan pang hintayin
na malingat ang kanyang tingin
bago pa ako ay silipin.
Upang masilayan
ang iyong kabuuan
kailangan siguruhin
na mata'y nasa likuran.
At kapag namalayan
na naisahan,
lagi lagi ay itatago ka
ng marahan
parusang pamamaalam.
Araw-araw
hinahadlangan
ang ating buwanan lamang
na harapan.
Harapan
na hindi naman hahantong
sa hawakan
kailanman.