Para kang yosi

Folder: 
Filipino poems

Para kang yosi

Hinahanap hanap sa kasiyahan

Karamay ka naman sa kalungkutan

Mahirap alisin dahil madaling kasanayan



Para kang yosi

Nakaaadik ang buo mong katauhan

Init ang dulot sa malamig na katawan

Lubhang nagagalak pag iyong nauusukan



Para kang yosi

Pagdampi sa labi ay nakagigising ng isipan

Hagod ng usok ay bumubusog sa laman

Halimuyak ay naiiwan sa katawan



Para kang yosi

Nakakabaliw ang isang minutong di ka masilayan

Araw ay kulang kung di ka matikman

Bakit ba kay hirap mong talikuran?

View kyoksil's Full Portfolio
tags: