Sulit naman ang kayod

Folder: 
Filipino poems



Gasino lang ang sahod sa trabaho ko

Sa umaga’y tulog, sa gabi ay gising

At kapag tinoyo pa ang aking amo

Obertaym pa ang dapat na ako’y himbing



Subalit ‘di makareklamo sa pagod

Dahil wala namang ibang magagawa

Ama’t ina, magisang nagtataguyod

Tatlong paslit, alaga, kana’t kaliwa



Sa umaga ay himbing, ama sa gabi

Sa hapon ay ina, may dagdag raket pa

Pagsulat, pagkanta, maging ang paghabi

Lahat para sa mga anak na sinta



At ang pantanggal ng pagod sa maghapon

Ay kanilang halik at ngiti na ipon


View kyoksil's Full Portfolio
tags: